Tunay ang kagandahan at kayamanan ng Pilipinas. Bansang pinagpala ng angking kalikasan at natatanging malikhaing kultura.
Subalit maraming pagsubok at hamon ang ating hinaharap sa kasalukuyang panahon.
Ayon sa mga datos ng mga internasyonal na organisasyong, World Bank at International Monetary Fund, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may mababa ang antas ng "income".
Ito ay nagresulta sa kakulangan sa oportunidad at malawak na kahirapan ng napakaraming Pilipino. Kaya maraming sa ating mga kababayan ang lumilisan upang humanap ng trabaho sa ibang bansa bilang mga Overseas Filipino Workers (OFW) o manirahan bilang imigrante sa ibang mas maunlad na bansa.
Narito ang mga datos galing sa mga pagsasaliksik na internasyonal, upang ipaliwanag ang ating kalagayan. Atin itong sandaling pag-aralan,
Ang GDP na nakasaad sa itaas ay nangangahulugang ... Gross, pinagsama-sama o kabuuang dami o bilang, Domestic, sa loob ng ating teritoryong pambansa at Product, produkto o serbisyo na nilikha ng mga negosyo (maliit o malaki) upang ialok at ibenta sa pamilihan lokal o internasyonal.
Kaya nga, iminumungkahi ang pakikilahok natin, bilang mamamayan sa "level" ng barangay at komunidad upang tumulong sa kalutasan ng problema ng malawakang kahirapan at mabagal na pag-unlad.